26 March 2009
RECENT ONSIGNER
Kasasampa ko lang uli ng barko. Nag flight kami sa Manila 24th ng umaga papunta sa joining port sa Morocco with connecting flights sa Doha at sa Casablanca. Pagdating namin sa final destination sa Agadir, Morocco, nag hotel pa kami ng isang araw at isang gabi at na delay ang barko pero ngayon sa awa naman eh nandito at nakasampa naman ng matiwasay uli. Panibagong barko, panibagong kuwento. Dyan lang kayo!
From now on at sa mga susunod ko pang barko, ako na ay magbo blog. The Blog bug has bitten me hehehe. Natuwa lang ako sa marami ring blog na sinubaybayan ko habang nasa bakasyon at talagang na impress ako lalo na sa mga may sense of humor at sa mga walang sense na puro lang kalokohan. Napakagandang libangan pala ang pagbabasa ng blog halos di mo mamalayan ang oras at naeentertain ka na at waring nakikilala mo na ng personal ang blogger.
It was good at naisip ko bat hindi kaya ako mag blog din? Mahilig din naman ako magsulat at meron din naman akong mga ideya na me kwenta. Bukod dun eh siguro meron ding sense of originality and adventure ang maiaakda ko sa blogosperyo. Seaman po ang inyong lingkod at di naman sa pagmamayabang eh normal na po sa aming nasa industriyang pagmamarino ang pagtawid tawid sa ibat ibang bansa. Varied din ang mga experience at nakikita namin sa totoong buhay. Eh mukhang wala pang seaman na blogger akong naeencounter kaya eto na, eto na ang boses ng inyong abang lingkod at naway subaybayan naman kahit ng mga dalawa o tatlong mambabasa. Ok na yun, at least pag sinabi kong “dear readers,” plural pa rin at more than one nga ang nagtyatyaga di ba?
Isa pa eh sana rin maging inspirasyon ang blog na to sa mga kabataan na nagnanasang magkarun ng magandang kinabukasan. In demand na in demand ang mga Pilipinong seaman lalo na ang mga officers sa panahong ito at sana maging career option din to ng marami at ng makatulong na sa bansa eh makalibot libot pa. Ayun nga sa advertisement ng isa ring malaking maritime institution sa atin, “join the merchant marine and see the world free.” Sana sa blog na to eh makita nyo rin ang katotohanan nun. See the world free, not only free kasi sumusweldo pa po habang isang palaboy ng malawak at asul na karagatan.
Saka na po ako magpapakilala. Hindi rin po ako ganu pa sanay magsulat sa tagalog, mas preferred ko talaga ang English kasi po yun ang common medium of language na naencounter ko sa barko, kaya sensyahan nyo na po kung madalas ang taglish sa mga entries ko. Isa pa pong disadvantage ng blog na to eh walang internet sa barkong nilipatan ko sa kasalukuyan kaya malamang po eh huli lagi ang mga entries ko. Minsan isa lang a month at minsan naman biglang buhos. Kaya dyan lang kayo, I will do my best to entertain and to inform at the same time.
Palabasa din po ako at siguro adbentahe rin yun sa mga ideyang itataktak ko dito, pero basta may pagkakataong magpatawa at mag saboy ng sense of humour, sigurado pong hindi na ako magaalinlangan.
This time bumalik ako sa mga tanker at ang kargada nga ng barko ko sa kasalukuyan ay mga LPG gases gaya ng Butane at Propane, kadalasang ginagamit sa mga heating ng mayayamang industrialized countries ganun na rin sa pagluluto at of course, sa mga lighter na panindi ng yosi. Smoker rin po ako at ilang beses ng nag try mag quit pero parang tubig alat sa pampang, minsan low tide na eh mag ha hightide uli. Uunti, titigil, tapos babalik at mapapalakas na naman. Shete talaga oh! Pero someday, tuluyan ng matutuyo ang aking pananabik sa nicotine. Di lang talaga maiwasan lalo na pag stress ful na ang trabaho at sunod sunod ang mga puwerto, nagiging stress reliever ang sigarilyo.
Hindi na rin ako magpupunta sa details ng kung ano bang pangalan ng barko, mayari, charterers etc. Syempre iiwan ko na yung mga detalyeng yun at breach of privacy na yun sa nagpapa kain sa pamilya ko. More on personal experiences na lang na worthwhile sa panahong ito ng blogging. Sana na lang ma meet ko yung standard ng mga discriminating readers at ma inspire naman yung nagsisimula pa lang magbasa ng blog, na isa ring napakagandang gamit sa internet aside from chatting and friendstering.
Dito na po muna at ipagpatuloy ko lang ang familiarization sa panibagong yugto na naman ng aking buhay marino, na this time, I rerecord ko na sa abang online diary na to.
WELCOME TO “NAUTICOOL” sino man kayong nakaharap sa computer na nakangisi o nakasimangot at the moments of times. Sana po eh mag drop by pa kayo ng madalas at magbasa basa ng kung ano na ang nangyayari sa aking literally, “maalon” at “makulay” na buhay.
Test mike.123
Ay mali eto pala: The quick brown fox jumps over the lazy dog… Ok. Ok na ang keyboard… hehehehe!
Babush!
No comments:
Post a Comment