Tuesday, August 11, 2009

I AM SAILING!

20 May 2000
Petit-Couronne
Sailing Seine

















Kalalabas lang namin sa puwerto ng Petit-Courone sa bandang southwest ng Paris. Sayang nga at saglit lang kami sa pwerto, matulin kasi ang loading rate kaya di na nakalabas papunta sa sikat na city of Paris. Pero ang dinadaaanan naming ilog eh isa rin naman sa pinakasikat na ilog sa Europe, ang SEINE RIVER. Nung panahon ng mga magagaling na artists gaya nila Renault, Manet at Monet, madalas itong inspirasyon sa mga paintings. Andami ding mga tula na nainspire ang ilog na to. Isa rin ito sa piping saksi sa nangyaring French Revolution, where a country beheaded their king. Madaming dugo ang dumanak sa Seine para lamang sa motto ng French revolution na Liberty, Fraternity and Equality. Napalitan to ng republic na naundermine din naman ng pagdating ni Napoleon Bonaparte. Pero ngayon balik na uli sila sa Republic. La lang nagkukuwento lang kasi medyo may naaalala pa rin naman tayo sa World history natin eh hehehe. Tsaka palabasa rin kasi ako lalo na pag walang magawa, sa totoo lang andami ngang napakauseless information sa utak ko eh. Kung maaari nga lang i erase para mapalitan naman ang memory eh ginawa ko na eh hehehe.




















Actually nakabiyahe na ako dito mga year 2002 nung makabalik ulit sa barko matapos maka gradweyt. Nga lang abot lang kami sa Port Jerome sa may bungad lang yun ng Seine di gaya ng Petit-Couronne na ang layo pa at malapit na nga sa Paris. Pero mas malapit ang lugar na to sa syudad na Rouen, dito sa city na to sinunog si Joan of Arc. Sa history si Joan ang napakabatang heneral ( at babae pa)na nagrally sa French Army para labanan at patalsikin ang mga English at cronies nila. Ginawa nya daw yun dahil sinabi sa kanya mismo ng Diyos at naririnig nya nga daw first hand ang boses ng nasa taas na naguudyok sa kanyang pamunuan ang hukbong Pranses. Nangyari naman at naging victorious sila matapos ang marami ring madugong laban. Pero wala din, bandang huli naging biktima din si Joan ng Catholic inquisition na nagakusa sa kanyang isang “heretic” at “blasphemous” dahil nga sa pagpipilit nyang naririnig nya ang salita ng Diyos. Kaya ayun walang awa syang sinunog sa isang square sa siyudad na to sa utos na rin ng matataas na tao sa simbahan. Meron ngang kasabihan ang mga puti na “No good deed goes unpunished,” isang halimbawa nun ang nangyari kay Joan. Tama muna dyan mamaya sabihin nyo history teacher na ko eh hehehe. Nagenjoy lang naman din kasi ako nung napanood yung movie version, JOAN OF ARC (starring my idol John Malkovich as the French king) hehe.















CRUISE SHIP "THE WORLD"


Balik tayo, dahil nga liner yung barko na sinakyan ko na may biyaheng Port Jerome, pabalik balik lang kami dito. Isa sa unforgettableexperience ko eh yung nakita ko yung private cruise ship na THE WORLD. Sus ko po napakalaki talaga. Maraming mayayamang may sariling kuwarto sa cruise ship na yun, mga sikat na celebrities, royalties at businessmen. Hindi ito ordinaryong cruise ship kasi parang real estate yung pagaari nila eh. Kumbaga eh parang floating 5 star condominium at exclusive lang ang mga pasahero, yun lamang may mga pagaaring kabina dun ang nakasakay, o di kaya mga bisita nila. Ito kasi ang una sa mga may concept na ganito, floating real estate at high class pa ang maintenance. Not your average Condominium hehe. Baka one square meter floor area lang nito eh isang unit na sa Makati hehehe. Bihira lang siguro ang makakakita sa barkong ito at swerte ko talaga at maikukuwento sa mga apo apuhan ko yun hehehe.

Syempre while at it, dadagdagan ko pa ang kuwento: na nakita ko si Bill Gates dumadayb sa may pool deck, na si Tiger woods nasa Upper deck sa Golf greens at nagpa practice ng swing, na si Paris Hilton andun sa isang kuwarto at kumaway pa sa akin. Walang kokontra kay lolo mga apo!

Sa ngayon eh daydreaming din ako, kelan kaya ako makakabili ng sariling kabina sa ganung mga barko? Malamang after one thousand syete mil na taon hehehe… Pero kung di talaga kaya, ok na kahit sa tuktok na lang ng funnel ako tumira hehehe…
Humh-aaahhhhh!!!! Nak ng, antok na ko!!! Dito na po muna, managinip muna ako ng sarili kong barko na nagta transit sa Seine river hehehe.

1 comment:

Anonymous said...

Here is a good online resource for learning more about Joan of Arc