Tuesday, August 11, 2009

PERKS OF THE SEA


13 April 2009
Katatawid lang namin sa Kiel Canal, ang maliit ilog sa North Germany na ginagamit ng mga barko para makaiwas sa mahabang ruta na dadaan pa sa North ng Denmark. First time ko dumaan sa stretch na to ng tubig at as usual bukas na naman ang ating mga mata at isip sa panibagong experience.

Dala namin ang ni load na kargada galing Tees port sa UK.



Mga ilang piye lang mula sa barko ay river bank na at kitang kita ang mga German na nagdadaan o nagbibike sa gilid, ganun na din ang mga nag gagandahang Summer Houses ng mayayamang Aleman. Pag ganito ang mga dinadaanan ng barko, iba ang pakiramdam, malayo kasi ang tanawin kung ikukumpara sa gitna ng laot na wala kang makita kundi alon lang at langit at malawak na horizon. Kung susuwertehin makakita ka ng iilang dolphin o mga seabirds pero bihira din yun lalo na pag “choppy” ang dagat o masama ang buhos ng hangin.


Pag ganito ang view, parang di nakakapagod o nakakabagot ang pagbabarko kasi alam mong andyan lang ang pampang at may mga tao ring kagaya mo na nakaapak sa solidong lupa. Yung iba kumakaway pag kinawayan mo rin yung iba naman sawa na sa view ng mga barko at wala ng pakialam sa mga dumadaang shipping traffic. Para sa akin nakakatuwang pagmasdan ang mga panibagong tanawin na to at syempre bumibilib din ako sa ganda ng mga bahay at iba pang buildings. Ilan na ring narrow waters ang nadaanan ko pero iba pa rin ang first time sa panibagong lugar.

Naalala ko tuloy nung dumadaan kami sa Panama canal sa isang container ship na nasakyan ko 2 years ago. Nakakita ako ng napakalaking rabbit malapit sa ilog, parang kagagaling lang uminom eh, halos singlaki ng aso! Kala ko kung ano na yun at talagang nabigla ako, di makapaniwala ang isip ko na may kunehong ganun kalaki. Tinanong ko ngayon yung pilot.

“Mr Pilot, what is that? Is that a rabbit?”

Natawa yung piloto.

“No, that is a Capybara my friend.”

“Can you repeat that?”

“Ca-py-ba-ra, it belongs to the rabbit and rat family!”

It’s unbelievable, incredible, hampasabol… nasurpresa talaga ako at yun nga pagkatapos eh nagbasa basa sa internet at nakita ko nga na ang capybara pala ang largest mammal of the rodent family. In short, isa itong dambuhalang daga! Sabi rin ng piloto eh bihira din daw makita yun sa river bank at mailap daw kaya swerte ako nakakita ako. In the wilds pa! hehehe…





















Yun ba. Yun yung mga tipo ng novel experiences na part and parcel na ng seafaring. Andami mong nakikita both manmade and natural na nati trigger ang iyong bi-lib-it-or-not-is-not-a-nut. Sa unang registry sa utak mo eh hirap paniwalaan tapos sa tagal ng panahong naka exposed ka eh nagiging common na lang sa yo. Kagaya ng dolphins, pag lumalangoy lang ang mga dolphins na yan sa dagat eh halos di ko na napapansin pero pag nagsimula ng magtumbling tumbling, yun saka ko lang papanoorin with interest. Point is, napakaraming sights and sounds ang dulot ng pagpunta from one place to another na minsan nakakasawa na lang. Kelangan lang eh emaintain yung pagkaisip bata, curious at galak na galak sa mga nakikitang panibagong tanawin and to scrutinize and find something new from the old. Buti na lang medyo child at heart pa po ang inyong lingkod kaya napakadali lang ng bagay na yan hehehe (sabi ng iba isip bata daw! Ok na yun kesa walang isip di ba hehehe)

Kaya ito ngayong pagtawid na to sa Kiel, talagang inenjoy ko at summer pa naman sa Europe kaya matagal pa ang sunset, pasado alas sais na ng hapon maliwanag pa rin. Ganyan lang talaga, pana panahon. Baka a few days from now pag open sea na naman kami simula na naman ng Proud Mary dance (Rolling, Rolling…) pag sumama ang panahon.
Sabi nga take life a day at a time, to savor each moment, to relish each surprise to the senses… kaya yun ang ginawa ko! Kung di nga lang ako natatakot sa propeller (o di kaya mawalan ng trabaho) dumayb na ko sa ilog eh! Kaya iyon, I just savored that pleasant experience.
(Pero bat ganun? Kahit na maganda tong ilog na to, mas namimiss ko pa rin ang Ilog Pasig?)













No comments: