Tuesday, August 11, 2009

BYE MICHAEL

26-June-2009
Pasado alas kuwatro ng umaga…

Matapos ang guwardya namin ng madaling araw, bumaba na kami ng ka duty kong watchman para sa almusal. Maaga ang almusal naming mga “dose-kuwatro” kasi nga gigising na naman kami ng bago mag alas dose ng tanghali para magduty uli hanggang alas kuwatro ng hapon. Ka aalis lang namin sa puwerto nakaraang gabi kaya malapit pa sa coast ng Sicily.

Pag ganitong malapit kami sa shore nakaprogram na kaagad ang TV sa mga channel na pwedeng mapanood. Kay ayun kasalukuyang may signal sa antenna at nakakapanood ng local stations. Ewan ko kung alam nyo yung kasabihan ng mga puti na “I still remember clearly where I am and what I am doing when I heard the news…” Ganun na ganun ang naramdaman ko nung sandali na yun. Kasalukuyang whini wheel out ang katawan ni Michael Jackson, tinatranslate ng Italiano ang salita ng nagaanounce kaya mahirap intindihin. Pero sa mga ginagawang aksyon ng medical team at sa mga malulungkot na mukha ng nakapaligid, isa lang ang nakuha kong conclusion. Patay na si Michael Jackson. Hindi ako makapaniwala. Sinabihan ko kaagad si 3rd Engineer na ilipat ang channel at baka may English para maintindihan, ayun nakakuha naman ng signal sa BBC. Iba ang featured na balita sa pagkalipat pero sa sliding text sa ilalim nakasulat “THE KING OF POP IS DEAD…” Inabangan talaga namin ang feature story tungkol dun. At yun nga, dinetalye ng broadcaster na heart failure daw at wala na nga daw, patay na nga ang nagiisang si Michael Jackson….

Damn! Ang hirap paniwalaan na isa sa napakalaking “icon” ika nga na nagdefine ng henerasyon ko eh wala na. Sino ba ang di nakakakilala kay Michael Jackson? Sa sandaling yun andaming tumatakbo sa isip ko. The world will never be the same again. An era has passed.

Andaming tinawag sa kanya, Wacko, Sicko, Pedo etc etc. Sabihin na nating marami ding negatibong bagay na inakusa sa pagkatao ni Michael Jackson, pero andyan din ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kanyang pagiging matulungin. Ang kanyang pagiging mapagbigay. Ang kanyang mga napasayang tao sa kanyang sayaw at boses. Ang moonwalk. Ang mga sumunod sa kanyang yapak at tinuring siyang “influence” tulad ni Gary Valenciano. Basta marami, jumble of thoughts na nga lang eh.

Ang isa sa di ko makakalimutan, yung kanta nyang “Heal the World.” Napakalaki ng impact ng kanta nyang yun sa mura kong isipan nung first year highschool. Di ko sana mapapansin yung mga lyrics nun at kabuluhan ng kanta kung di ako nakuhang member ng teacher ko na magiinarte habang kumakanta. Ewan ko kung ano ang tawag dun pero para bang group speech na may gagawing mga kumpas at may magaaktong sundalo at mga mahihirap tapos in the end mag sasama sama para sa panawagang pangkapayapaan at world peace. Kunting lakad, kunting emote. Masyadong malalim pa para sa akin ang mga words na “see the nation turn their swords into plowshare.” Pero sa boses nya at sa main chorus, andun talaga ang essence, ang simpleng panawagan. Ang “heal the world, make it a better place.” Sa murang isip, para talagang staggering eh. Ba’t heal the world? May sakit ba ang mundo? Tsaka isa pa, ayus tong ginagawa namin ah! Nagsisiksikan kami at nakakadikit ko ang mga kaklase kong babae. Ganito pala kalambot ang balikat isang girl hehehe. Ang galing, ang galing ni Michael! Nakailang practice din kami.

Di rin nagmaterialize yung performance namin. Sabi kasi ng teacher ko eh opening lang naman kami para sa main drama ng mga fourth year once upon a highschool program. Di ko makakalimutan ang naging epekto ng hormones ko sa aking katawan ng dahil sa kanta nyang yun. Kumbaga eh special sa akin sa maraming dahilan, dahil narealize ko na there is something wrong in the world pala. Hindi perpekto. Andyan ang diskriminasyon, ang pagsira sa kalikasan, ang mga gyera.

Higit sa lahat, ganun pala ang libog pag may katabi kang kaklaseng babae at siksikan na kayo. Yun pala ang puberty, mainit sa katawan at masikip sa pantalon hehehe…. Sensya na kung lumiko ng kunti. Malungkot kasi ako eh…

My deepest condolences Michael. Already I’ve run out of words. I just hope that wherever you are right now, you are at peace.

Bye brodah!

No comments: