Tuesday, August 11, 2009
POLITICS
24 April 2009
Dumating kami sa Mohammedia, isang syudad sa parteng west ng Morocco! Ayun nag ashore ng kunti para mag check ng mail sa internet at mamili ng ilang ma tsitsibog. Tumambay din saglit sa isang tea shop at umorder lang ng mint tea. Dito kasi sa mga bansang Arabo at muslim faith, bawal ang alcohol kung kaya mas madalas eh mga tea and coffee shops lang ang pinaka gimikan nila.
Hindi inissuehan ng shore pass ang mga Ukrainian naming senior officers, sila Kapitan, Chief Engineer at Chief Mate. Nagtaka lang ako at yun tinanong ko yung ahente (tsismoso talaga hehehe) at ang sabi nya eh kasi daw political reasons. Meron daw kasing contested na parte ng lupa sa Sahara na kini claim ng Morocco at Algeria. Syempre dun ang bid nila minemediate sa UN at sumuporta daw ang bansang Ukraine sa Algeria. Ang Pilipinas naman daw kasi ay nag neutral na lang. Ayun, napakasimple lang! Ang pinagtataka ko ba’t nadadamay ang mga seaman sa mga political and diplomatic bullshit na yan? Eh kahit nga sila Tano di nila alam na meron palang ganung issue at kung tatanungin man eh wala rin daw siyang pakialam kung sinuman ang makakuha ng disyerto na yun. Siguro, sabi pa nya, baka dati walang pumapansin pero siguro nakitaan ng langis kaya ganun.
Nakabiyahe na rin ako sa Algeria mga ilang taon na rin ang nakaraan. Di rin naman ako nakalabas at disyerto na nga ang makikita mo simula terminal sa Arzew na nasa parteng norte. Pero sabi sa akin nung loading master, mayaman daw ang bansa nila sa langis at natural gas. Yun lang ang naaalala ko at di ko naman nakita ang kabihasnan nila kaya walang imprint of any pleasant memory sa aking utak. Yun lang isang napataas lang na flare ang naaalala ko at napakahabang pipeline ng natural gas mula dock hanggang middle of nowhere, at mula nga dun ang cargo namin.
Balik tayo, naging issue na rin to nung kapuputok lang ng Sept 11 World Tower attack sa NY. Simula din nun eh naging sobra ang istrikto ng America sa pagpapalabas ng tao lalo na sa mga tripolanteng ang bansang pinanggalingan eh merong mga muslim na citizen. Syempre kasama na tayo dun. At yun nga, dahil din dun eh nagreact talaga ang napakaraming seafaring organization. Ang pinakanaging punto nila, sagrado ang Shore leave ng isang mandaragat. Isa yang prebilihiyong di dapat nila ipagkait sa mga taong nagdadala sa kanila ng pang saplot, pagkain at pang gawa ng bahay. Kasama na rin dun ang kanilang mga luho. Bukod pa dun, siyempre dangerous ang propesyong ito.
Por example na lang dito sa barko ko ngayong ang cargo ay Butane, me biruan kami dito na isang palito lang ang katapat naming lahat. Kung iisipin mo eh totoo nga, kasi given the right flammable condition lalo na at sa mga kritikal na parte ng cargo operation, isang spark lang at pira pirasong fish feed ang na lang ang matitira sa beauty ng lolo nyo! Yun eh kung matira pa matapos ang gaseous explosion. Isa pa eh andyan din ang mga dinadaanang paghihirap ng isang seaman, ang boredom and long periods of isolation,ang seven days a week na trabaho, ang near misses and accidents, ang bad weather na minsan sa sobrang lakas ng rolling ng barko eh di ka na makatulog- so exhaustion and fatigue na rin. Syempre andyan na rin ang lungkot.
At marami pang ibang bagay. Para bang kung tutuusin eh reward naman na namin yung makita ang mga lugar na pinupuntahan namin, hindi yung andun lang kami parang preso sa barko kahit nasa puwerto na at ang nakikita lang mga pipelines, tanks, flares, jetty, etc. At sa mga containerized naman na barko, isang malawak lang na container yard at mga gantry cranes. Sa mga bulk carrier, mga bundok lang ng trigo o iron ore. Sa mga log ship, mga nakasalansan lang na troso. And so on and so forth na rin sa iba pang klase ng barko (pera na lang ang mga cruise ship na ang mga barko’y puno ng gimik hehehe).
Syempre may paghahangad din kaming makatawag sa murang telepono at phonecard, makipag chat, mag check ng email, friendster o facebook, yung iba gustong magpa cute sa mga womans na rin, maka bili ng kunting junkfoods at pulutan, makagala sa mall, makapunta sa mga tourist spots na libo ang ginagastos ng iba para mapuntahan (pero kami libre lang hehehe). Yun bang makahinga naman ng pollution sa lupa, makakita ng buildings o bundok, makipagsiksikan sa malalaking siyudad, mag take a walk in a park, mag “feyling towrist”na kala mo nagbabakasyon lang (with matching camera sa leeg), maki join at maging parte uli ng GREATER HUMANITY (minsan nakakasawa rin yung 13 o less persons lang kayo onboard, iisang mukha na lang nakikita nyo araw araw na ginawa ni Neptune). Or to simplify things: makabalik naman kahit kunting panahon lang ang routine namin sa normal, makaapak sa solidong lupa at makagalaw ng malaya na walang takot mahulog sa railings pabulusok sa tubig. So that when we come back to a metallic giant we’re calling home for quite a while, we at least feel refreshed once again. Renewed and reinvigorated to continue forth our remaining days until such time we can finally go back to our REAL HOMES.
Lumayo na yata ako masyado, ah hehehe! Next thing you know nagkukuwento na ako ng pag sign off, pagpunta sa airport pauwi sa lupang hinirang hehehe… Yun lang naman ang masasabi ko, I feel strongly for my Ukrainian colleagues and rue this world to be so divided by demmet politics…
Papel lang naman ang nagdedefine sa mga boundaries ng bansa eh, papel din lang ang mga passports, seamans book at shore pass. Pak dat sheet (of paper), dahil at the end of the day parepareho lang tayong mga tao na gustong kahit sandali eh sumaya!
This is my greatest contention, bilang seaman- sa panahong kami’y nasa laot, kami ay CITIZENS OF THE WORLD. Kumbaga ang ginagalawan namin eh dagat, three-fourth yan ng buong mundo. We see the world as borderless, kaya isantabi nawa ng lahat ng bansang may coasts ang kanikanilang mga diskriminasyon: we need, NAY, we demand our shore leave rights. It is a seafarer’s liberty. At kung magiging aktibista lang ako ng mga seaman balang araw, unang una sa mga motto ko ang:
GIVE ME SHORE LEAVE, OR GIVE ME DEATH!!!!
(Angas no hehehe!!!)

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment