Tuesday, August 11, 2009
COASTGUARD DRILL
21 May 2009
SAR exercises with Dover Coastguard
Duty ko kanina ng may makita matuling echo sa radar. Approaching from aft ang echo kaya lumabas ako para sumilip sa likod. Demmet! Isang malaking chopper ang dire diretso sa amin!!! Tinawag ko ngayon yung AB na swerte naman nung oras na yun at may dalang camera. Di habang kinukuhanan namin, nagtaka na ako kasi steady lang yung approach bearing at biglang bumagal nung palapit na sa amin. Hanggang sa makalapit na nga at marinig ko yung ingay ng elise. Demmet! Takbo ko sa loob ng bridge sa isip ko baka kami ang pakay nito.
Di naman ako nagkamali at yun nga bigla na lang tumawag sa amin ang Dover Coast Goard. Motor Tanker ____, this is Dover Coastguard on channel 16, do you read over? Ako naman medyo natataranta na at ang ingay na rin ng propeller ng helicopter at sobrang excited pero di naman pumalya ang engliys natin hehehe Yes sir this is _____, go ahead. Yes Captain, can we go to channel 10 please! This is the duty officer speaking Dover Coast guard, and roger let’s go to one-zero. Lipat naman ako sa channel 10. Motor Tanker ______, this is Dover Coast guard on channel 10. We are currently undergoing a search and rescue drill and would like to ask your vessels participation. Can we land a person on your poop deck and hoist him back again?
Sus ko po! Nung sandaling yun talaga namang sobra na ang kabog ng puso ko, hindi laging natityempo ang isang barko sa mga ganitong operasyon. Sa sobrang dami kasi ng shipping traffic sa Coast ng South England, swerte na ang one out of a thousand na mapili sa ganitong operasyon.
Since duty officer lang ako eh pautal utal na ang sagot ko na papaalam muna ako kay Kapitan kung papayag nga sya. Ayun tinawagan ko si tano at sabi nya ok just ask instructions to the coastguard what we need to do.
You don’t have to do anything sir, just continue your present course and speed and we will execute the rest. The drill is, one man will be lowered on your deck and after 5 minutes of embarking on your poop deck, we will hoist him up again. Is this understood?
Ok sir, understood. Continuing present course and speed and standing by this channel.
Matapos ang clear communication na yun, nag baba na nga sila ng tao sa kubyerta namin sa may poop deck. Syempre rin sunod sunod ang picturan pag ganito na ang sitwasyon. Naglabasan na rin ang crew para tignan kung ano ang nangyayari at ang swerte nung mga kolokoy na nasa baba kasi nakapagpa picture sila kasama yung bumabang coastguard man. Duty ko kasi kaya di ko maiwanan ang bridge eh. Ang laki nung helicopter nila, state of the art talaga. Napaka commendable din ng professionalism at competence ng coastguard ng bansang ito, mula sa pagtawag hanggang approach ng helicopter, sa pagbaba ng tao hanggang paghoist up nila uli. Syempre in a way proud din ako at barko namin ang napili para sa sensitibo pero exciting na drill na to. All in all I think I handled the situation well naman, maayos naman ang pakikipagspokening ko at naintindihan ko naman sila kahit iba ang accent at slang ng mga Bitoy (kapapanood na rin ng comedy series na “Little England” hehehe). That moment din sigurado akong andaming ibang barko sa area na nakarinig sa usapan namin at yung iba nainggit at kami napili hehehe. Yun namang mga kapwa pinoy na nabosesan ako, syempre proud din ang mga yun at Filipino officer yung duty sa barkong nakipag coordinate sa sensitive drill with Dover coastguard na yun. Syempre ang isa pa eh at least alam ko na andyan lang ang Dover Coastguard na kung handang mag spend ng resources at manpower sa mga drills eh mas lalo na siguro sa actual emergencies! Na handang tumulong 24 hours a day sa kung sinuman o anumang barkong mag signal ng distress call. I salute you ladies and gentlemen, guardians of the South English Coast. As a former Brit captain of mine (Nigel Golder, Safmarine Container ship ca. 2007) used to exclaim, “good man!,” indeed, GOOD MAN all of you!
***********
Gang ngayon eh medyo iba pa rin ang kabog ng dibdib ko. Sobrang excitement. Parang feeling Hollywood din, in a way nakarelate sa communications part ng mga pelikulang gaya ng Black Hawk Down, The Hunt For Red October, etc. Kahit na drill lang at hindi actual life threatening emergency, andun pa rin sa isang sulok ng isip ko na special event yung nangyari.
Sige dito na muna. Ginutom ako kaya ATTACK the kaning lamig muna ako!
ROGER THAT!!!
***********
P.S. Kung may makabasa rin na mga ka batch and co-alumni ko mula sa Yupi (Yupian ng Plato) na nagjoin sa Philippine Coast Guard or PN (career options din kasi yun ng Alma Mater namin), lalo na kay Patrick B., Pande, Joseph B, Jotham G., Ronnie Ong, greetings and I hope you will remain steadfast in your service to our Motherland!
Regards and carry on Bunkmates!
See pictures below for sequence of events:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment