Tuesday, August 11, 2009
TRAGIC
22-June-2009
North Of Algerian Coast
En Route Augusta, Sicily
Nabasa ko ang dyaryo kanina. One year anniversary na pala ng aksidenteng Princess of Stars kahapon. Sabi pa sa headline, “Still No Closure for Kin of Tragic Ferry.” At yun nga, malamang daw ay next to nil ang tsansa na makuha pa ang labi ng mga di pa nakikita sa trahedyang yun. Meron pang parte sa balita na tungkol sa isa ngang seaman na kasama dun, kapipirma nga lang daw ng kontrata at nagpasyang umuwi muna pabalik sa Cebu galing Manila. Isang buwan pa naman kasi bago pag sign on uli sa susunod na barko. At yun nga, sabi rin sa balita na hanggang ngayon eh hindi pa rin sinasabi ng kanyang asawa sa maliliit nilang mga anak ang totoong dahilan kung bakit di pa umuuwi ang papa nila, ang kanilang kawawang tatay na kabilang sa mga pasahero na di pa nakikita ang labi. Hanggang ngayon eh naroon pa rin ang pagasa ng abang maybahay na maaaring buhay pa ang kanyang asawa. Parang mirror sentiment din mula sa nakaraang trahedya ng Air France na nag crash sa gitna ng Pacific. Meron ding isang seaman na nakasakay dun at kaka sign off lang galing ng Brazil. Sinabi rin sa balita ng kanyang naiwan sa atin na hindi siya naniniwalang patay na ang kanyang asawa at magaling nga daw itong lumangoy. Umaasa pa rin si misis na matatagpuan pang buhay si mister.
Kung iisipin, talaga ngang napakahirap tanggapin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. Nung pumanaw din ang kapatid ko sa murang edad na disinuebe, bagamat pinaglalamayan na namin ang kanyang bangkay, di ko pa rin matanggap na wala na siya. Siya kasi ang unang pumanao sa pamilya namin at bente anyos na ko ng mangyari yun sa amin. Hindi kayang ipaliwanag kung gano kahirap matanggap ng puso at isipan na wala na nga ang taong kaylapit dun. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang kapatid ko, di na singpait ng dati dahil halos 9 na taon na din yun eh, mas lamang na lang ang panghihinayang. Iniisip ko kung buhay pa sya, ano na kaya ang kanyang trabaho? Ang kanyang itsura? Pano kaya sya maging ama? (2 ang panganay ng loko bago sumibat ng panghabambuhay hehe) Magmamatured na ba kami sa isat isa at di na lang laging nagsusuntukan? Di kami naging magclose talaga ng utol ko na yun, lagi nga kaming bangayan eh. Pero nung nawala sya, wala, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ang hirap…
Balik tayo sa Princess of Stars. Personal sa akin ang istorya ng Princess of Stars. Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ba naman ng mawawalan eh ba’t yung nakasama ko pang chief mate last year. Napakabait na opisyal ni Chief Leo, tubong Samar at kababayan nga ni erpats. Higit singkuwenta anyos, tahimik lang at walang bisyo. Napakasipag rin at pag naging kabiruan mo na eh napakamasayahing tao. Minsan nagkuwento sya sa akin ng magpalitan kami ng duty sa bridge na yun nga tumawag daw siya sa misis nya at nabalitaan nyang naaksidente ang sinasakyan ng anak nya na isang interisland na Ferry sa tin. Sabi pa nya eh hindi naman daw siya kabado at alam nyang magaling naman daw lumangoy ang anak nya at kasalukuyan ngang kadete ng nasabing barko kaya aware at fully trained sa safety of life at sea.
Proud si chief mate sa anak nya at lagi nya ring nakukuwento sa akin bago pa lang mangyari ang aksidente. Kasabay ko pa syang bumili ng second hand na laptop minsang nasa Yokohama, Japan kami at sabi nga nya’y para sa anak nya yun. Humingi pa sya sa akin ng kopya ng mga navigational programs na magagamit nito sakaling maging opisyal na rin tulad nya someday.
“Matanda na ko sec eh, malamang di na ko makaabot sa pagiging kapitan, siguro eh etong anak ko na lang ang supurtahan ko para maagang maging tano.”
“Napakabait ng batang yun sec, tahimik lang at wala akong masabi, walang barkada at bisyo,”
Ilan lang yan sa mga puri nya. Natutuwa ako kay Chief, naaalala ko sa kanya ang tatay ko. Seaman din kasi at tubo ring Samar si Papa. Bagamat nung umpisa’y ayaw din akong pag seamanin ng tatay ko, naging supportive na rin sya nung nagpilit akong magseaman hanggang makapasok nga sa yupi (yupian ng plato) upang maging “naughtycal iskolar.” Pero ewan ko lang sa parteng pagpupuri bilang mabait na bata, kunsumisyon kasi ako madalas nun eh hehehe.
Yun na nga hanggang sa dumaan pa ang ilang araw at naglabas na talaga sa akin ng bigat ng loob si chief, mas matindi pala sa inaasahan nyang trahedya ang nangyari. Sa telepono sinabi ng misis nya na andami pa palang unaccounted at di pa nakikita. Patuloy na rin pala ang pagtaas ng bilang o tally ng namatay at mas lamang sa survivors. At sa sandaling yun, wala pa rin daw silang balita sa sitwasyon ng anak nya. Nakausap na rin daw ng misis nya ang isang kasamaha nitong kadete, at yun nga nasabi nun na di pa din daw nakikita ang kanilang anak.
“Umiyak na rin ako sec, halos buong umaga ako kaninang luhaan,” sabi nya.
Awang awa ako kay chief mate, magulang na rin kasi ako nung mga panahong yun, at sinong magulang ang gustong maranasan ang ganung bagay? Gang ngayon eh awang awa pa rin ako sa nanay at tatay ko sa nangyari sa king kapatid. Di rin nawawala sa akin ang nabasa kong linya minsan sa isang libro. Tungkol nga sa nawalan ng anak na magulang, “ A parent should never bury his or her child, it is an abomination against nature.”
Tama lang. Walang magulang na nasa matinong kaisipan ang di magsasabing kahit buhay nila ang hilingin eh ibibigay nila ng walang dalawang isip para sa anak. Lahat ay naghahangad na magkarun ng produktibo, mahaba at masayang buhay ang kanilang mga supling. It is not just an abomination, it is the most painful and unfair life experience any parent can ever go through.
Ewan ko ba pero parteng X-files na muna tayo ha? Kasi minsan nung shomat kami sa kabina nya nung mga panahong yun dahil kelangan nya nga lagi ng kausap, nakatulog ako sa may sofa ng dayroom nya nung umalis na siya para mag duty uli. Hapon yun at wala sa ayos, binangungot ako. Sa panaginip ko (na kinikilabutan pa rin ako sa tuwing maaalala), mulat ang diwa ko at nabasag daw lahat ng bintana sa kabina ni chief. Pagtapos nun eh bigla daw pumasok ang mala delubyong tubig at nalulunod ako. Naknangkagaw. Buti na lang nagising ako kagad. Kayo? Ano sa tingin nyo ang ibig sabihin nun? Kayo na maginterpret… Shit talaga.
Pinalipas ko muna ang isang araw bago ko kinuwento kay chief yun. Di ko makakalimutan ang naging reaksyon nya, tinignan nya lang ako ng isang napakalungkot na tingin at tapos nun tumingin sya sa malayo na nangingilid ang luha. Ganun pala ang maging harbinger of tragedy. Kakatakot. Bakit ako pa… demmet!
Matapos ang halos 5 araw na walang balita, nagdesisyon na si chief. Uuwi na sya sa susunod na puwerto. Hirap na hirap na ang kalooban ng asawa nya tuwing naguusap sila sa telepono at sabi nya ay nagaalala sya para sa kanyang pareha, di daw makakaya nun kung sakali mang worst na ang pangyayari.
Matagal din bago nakauwi si chief, wala kasi kagad mahanap na kapalit nya sa barko. Buti na lang nag dry dock kami for ship’s repair sa Saigon at medyo matagalan ang pagstay kaya kahit pano nahabol din ang kapalitan nya. Di ko na alam kung ano ang nangyari matapos yun. Wala na ako balita sa kanya at di na rin nakatawag dahil medyo naging busy rin. Naging personal rin ang pagsunod ko sa balita ng Princess of Stars. Hinahanap ko at nakikiasa ako sa pamilya nya na makita ang pangalan ng anak nya sa mga survivor. Nakiisa rin ako sa kanya sa pagmumura sa mga authorities na pumayag umalis ang barkong yun kahit may storm signal na, sa mga opisyal at nagpapatakbo ng Sulpicio Lines. Di naman talaga dapat nangyari to eh kung sinunod ang mga normal procedures.
Nung panahong naguusap kami, kinukumbinse ko rin ang sarili ko na maniwala sa mga nagsusulputang conspiracy theories na kuwento ng misis nya. Para na rin mabigyan ko ng lakas ng loob ang napakabait na chief mate na yun.
“Oo chief, malamang sinafety na muna ng Sulpicio ang anak mo at iba pang survivor na empleyado nila kasi ayaw muna nila sabihin ang totoong nangyari.”
“Oo chief, malamang nandun yun ngayon at nagpapakasarap sa isang private na hotel at asikasong asikaso, bago sila iharap sa media, syempre briefing muna.”
At marami pang iba.
Gang ngayon umaasa ako na sana’y bigla na lang kakatok sa kanilang pinto ang kanilang matagal ng walang anak.
Sana nga, san ka man chief, ganun ang nangyari…

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment