Tuesday, August 11, 2009
TAE MOMENTS
24 June 2009
South Of Italy
Enroute Augusta, Sicily
Duty ako kanina ng biglang makaramdam ng pagka tae. Sa mga panahong to nabubuwisit ako sa design ng barko, san ka ba nakakita na walang kubeta ang bridge? Sa dinami dami na rin ng barkong nasampahan ko eh ngayon pa lang ako naka encounter ng ganito. Hindi ba alam ng naval architect nito na sa dagat eh di puwedeng iwan unattended ang bridge? Siyempre andyan ang mga alarma at kung ma traffic at maraming barko sa paligid eh kailangang mabantayan ng maigi para di mabangga. Bagong bago naman at maayos ang mga gamit, gawang Hapon pa. Pero ba’t naman ganun! San ang kubeta? Bakero….
May instruction naman si Kapitan sa aming mga opisyal na kung may tawag ng kalikasan habang naka bridge watch eh tawagin lang siya at rerelyebuhan muna kami kahit saglit. Eh ang siste, wala pang alas dose medya at kakaakyat ko pa lang para mag duty ng kumulo ng wrong timing ang buwisit na sikmura. Eh di syempre nandun pa si Tano at kumakain sa officer’s mess (12 noon ang lunch time nila) at kakahiya namang abalahin mamaya di na makakain pag balik nya uli sa lamesa… grrrr! Buti sana kung naiihi lang eh puwede sa dulo ng bridge wing, ilaylay mo lang sa may railings at hayaan mo ng mag fountain pababa sa dagat ang wiwi mo. At least dun may hangin pang kikiliti hehehe… Kaso nga lang iba pag naeebak ka kelangan mo ng trono. Pero nagkamali ng tinalo ang taeng to. I’m of sterner stuff than to let this shit beat the shit out of me so to spokening English. Wala yatang kaartehan sa katawan ang inyong lingkod hehehe… Nagsimulang gumana ang aking resourcefulness, ang ginawa ko eh pumunit ako ng kapirasong parte sa isang lumang chart na di na ginagamit. Mga 1 feet square. Tapos nun eh sabay labas sa bridge wing, sa may “lee side,” meaning side na di exposed sa hangin (mahirap na mamaya hanginin pa ang chart pabagsak sa baba at may malas na tamaan sa deck area hehehe). Hanap ng puwesto, latag ang chart paper, apakan, sandal patalikod sa bulkhead habang binababa ang short. PRRRRT! Ayun katalo, na umuusok pa hahahaha…. Iba pala pag exposed, may feeling of excitement! Pero kumpiyansa naman ako na walang makakita at kasalukuyan ngang nagtsisibugan ang crew. Kami lang naman mga dose-kuwatro ang maaga ang kain (1130), para makasimula ng duty sa oras eh. Sumilip din muna ako sa kubyerta at nakita kong nandun sa prowa ang ka duty kong AB, kasalukuyang may deck work. May freshwater hose din sa wings kaya nalinis naman ang “lagkit” sa nakatagong parte ng katawan.
Matapos ang seremonyas, binalot ko ng pagka dahan dahan ang aking waste product (hirap na baka may mahawakan pang malagkit hehehe), sabay tinimbang timbang ko pa ng kunti gamit lamang ang dulo ng hinlalaki at hintuturo. Good, solid! Dahan dahan akong lumapit sa may railings at tahimik na nagsabing “This is one load that won’t need to be treated mother nature, let it come back properly to the circle of life.” Amen. Sabay tapon. Ayun, di na nga naman dadaan pa sa septic tank ng barko kung san gagamitan pa ng treatment chemicals bago idischarge sa dagat. Sa dagat din naman ang bagsak ng lahat ng ebak sa barko eh, kaya walang problema kung naideretso ko na…
Ewan ko ba. Parang naging emotional ako nung sandali na yun. Malayo na ang natakbo ng barko eh nakatingin pa rin ako sa flotsam na pinakawalan kong ganun ganun na lang. Palutang lutang. Pakiramdam ko’y may iniwan akong bahagi ng aking pagkatao sa isang sulok na yun ng dagat. Maya maya pa eh binuksan na rin ng mga alon ang binalot kong handog, sinisimulan ng iwashout ng mga halik ng alon ang laman nito.
Marami ring alaala ang biglang nagbalik sa akin ng karanasang yun. Naalala ko tuloy nung bata pa ako at lagi kaming umaakyat at naggagala sa bundok. Kami ang band of brothers armed not with guns but with slingshots. Pakay namin dun ang manirador at manguha ng mga bungang kahoy. Ikot namin lahat ng sulok ng mga bundok na nakapaligid sa aming baryong kinalakhan, kabisado na rin kung nasan ang mga puno ng bayabas, duhat, kasoy, arusep, mangga, kamias, garamay, saging at marami pang iba. Ganun na rin ang mga matatamis na laman ng mga bunga ng ilang gumagapang na halaman at wild na ampalaya. Bukod sa mga gastronomic delights na yan, andyan pa ang inihaw at sunog na tikling o maya, minsan may pugo din. Andyan din ang nilagang kamoteng kahoy na ibibigay sa amin ng mga bibisitahing tropang sa bundok nakatira. Siyempre bata eh kaya ang metabolism eh build and burn, meaning matakaw hehehe. Kanya nga lang maya maya pa alam na ang mangyayari, lalo na at halo halo na ang laman ng tiyan. Kahit pa matitikas kaming mga hunter-gatherers, tao rin lang kami na tatae at tatae din lalo na at naglabo labo na sa tyan ang kung ano anong napitas o nahuli. Dito ko nadevelop ang aking resourcefulness. Syempre sa bundok wala namang tissue o di kaya may mga sibol mang malilinis na tubig di naman laging matatapat na matatae ka malapit dun. Kaya ang aming pamunas: mga tuyong dahon. Yup, its true! Believe it or not. Unpleasant man ang pakiramdam pero no choice na eh. Tsaka nung mga panahong yun di pa uso sa kin ang brief kaya wala pang sasabitang underwear ang mahuhulog na leaf particles. Bahala na dun ang highly effective aircool system ng “commando” style. Laylay lang at hulog katalo na.
Also my dear readers, hindi lang kami mga “hunter-gatherers” at “mountain climbers.” Ang baryo ko ring kinalakhan eh nahaharap sa Subic bay, mga 300 meters lang mula sa bahay namin eh dagat na kaya’t pag walang pasok lalo na at summer, madalas din kaming mga “beach bums.” Siyempre ibang istorya naman sa beach, pag nasa tubig na eh kulang na lang sa amin ang kaliskis at hasang dahil para na kaming syokoy sa tagal sa dagat (yun eh kung tapos na kaming magbatuhan ng buhangin na nakabalot sa plastic ng chichirya). Uso din nung time na yun ang mga kanta ng Beatles, palibhasa maraming mga Amerikanong serviceman na nakatira sa lugar namin na laging nagpapatugtog ng pagkalakas lakas ng mga rock music, kaya di maiwasang maging westernized na rin ang taste namin sa sounds. Di ko alam kung sino sa mga kababata ko nun ang nagsabi na “Uy, may Yellow Submarine oh?” habang tinuturo ang isang pagkalaki laki at solidong tubol na tae na palutang lutang sa dagat. Tawanan talaga kami sabay langoy palayo, hinihila ang kung sinong malas na nasa harapan pabalik sa direksyon ng U-boat hehehe… Yun na, na coin na namin ang terminong yun. Yan ang warning cry namin pag napapansin na tumatahimik na lang isang kachokaran at di na nakikisabay sa paglangoy langoy. Yun bang kakaibang katahimikan at may bahid pa ng ngiting aso, sabay nakagilid pa sa katawan ang mga braso. Mga ilang insidente lang na ganun na sinimulan ng mga promotor (kasama ako), alam na naming may kababalaghan ng mangyayari. “Takbo, ayan na ang yellow submarine ni Norman!!!!” hehehe. Kakahiya nga sa Beatles eh, Beatlemaniac pa naman ako. Ano kayang isipin ng mga nabubuhay pang knights kung malaman nilang ang kanta nilang “Yellow Submarine” eh nagkarun ng ganuong kahulugan sa aming mura at malisyosong isipan?
Isa pang tae incident na di ko makalimutan eh nung ako’y grade 5. Minsan dahil absent ang teacher eh nag stand in ang principal namin na nung time na yun eh medyo tumatandang dalaga na at wala pang boypren. Kaya may pagkamasungit. Isa pa eh laging delay ang bayad ng nanay ko sa PTA kaya pati ako nadadamay sa inis nya hehehe. Pero mabait si Ma’am at naaalala ko rin naman na siya ang unang nagturo sa akin kung pano magdrowing ng star. Yung normal lang na star ah, style parol na lima ang dulo. Siguro medyo moody lang sya nung time na yun. Di ko na maalala ang tinuturo nya eh basta kalagitnaan ng lecture eh medyo nakaramdam talaga ako ng pagtatae. Yun nga nagsabi ako sa kanya ng “Ma’am, may I go out?” Eh biruin mo ba namang di ako pinayagan? Asus. Di mas lalo pa kong na stress. Maya maya pa eh di ko na talaga nakayanan, kahit anong pilit kong mapigilan ang paglabas ng intruder, kumawala na sa sphincter. Code red biohazard ang nangyari. Talagang sumingaw ng pagkasarap sarap ang fumes at nabalot ang munting silid aralan. Kumisot kisot ang ilong ni ma’am sabay sabing ano yun? Sino yun? That’s not just a fart, sabi pa nya. (malamang sa isip isip eh napapamura na, putangina tae na yun ah!) Wala na, no choice na kasi nagnanarrow down na ang mga ilong ng lahat ng kaklase ko, kumbaga kung radar eh napakalaki ng target at anumang alumpihit ko eh di ko na makontrol ang pagkawala ng fumes… Langya, hiyang hiya talaga ako nung mga oras na yun. Di ko malaman kung anong pose ang gagawin ng hita ko at puwit para magdamage control! Pero hindi mapipigilan ang pagkadiskubre kung sino ang Ground Zero. Ika nga ng mga abogado, overwhelming na ang evidence. Palibhasa nagpaalam naman beforehand, umamin na ako. Maypagka righteous indignation pa bagamat maliit ang aking boses na nagsabi, “sabi ko kasi sa inyo ma’am eh may I go out eh?” Shock din si ma’am, pero natawa na lang bandang huli at siyempre no choice na sya kaya pinayagan na ko pumunta sa CR.
Hindi lang nung bata ako may mga tae moments. Ito lang kumakailan nakaranas uli ako ng unforgettable experience. Interview ko sa isang shipping company nung nagbalak akong maglipat at maghanap ng greener pastures. Pasado naman na sa mga exams at iba pang paper requirements, kaso meron akong final interview sa isang Australian national na representative ng kompanya nila sa Makati. Ewan ko ba kung ano nangyari parang yun yatang nakain kong almusal sa isang fastfood ang dahilan, kalagitnaan ng interview at medyo humihirap hirap na ang tanong, aysus ko po! Nagsimula na naman kumalam ang mga isaw ko, shete naman oh sa isip isip ko! Halos 45 minutes na rin kami naguusap at ok naman so far kasi personal backgrounds lang halos at may mga reserba naman tayong spokening dollars. Pero eto na, kung kelan professional questions na saka pa nagsimula. Buti na lang nung halos kakawala na eh nagsabi na sya na ok na at meron na nga daw kaming 15 minutes break…. Wheew! Hangos talaga ako papunta sa kubeta, pero di na inabot, pagbukas pa lang ng pinto sa cubicle kumawala na ang medyo malabnaw at malagkit na likido pababa sa aking hita. Naibaba ko naman kagad ang pantalon ko at naisalba, nasampay sa may hook sa pinto ng cubicle. Kaso nga lang ang brief ko, awful total contamination. Code Brown. Buti na lang may basurahan dun at naitapon ko kagad. Dahil malaking kumpanya nga ang shipping na yun at hawak ang isang floor ng isang building, maraming tissue at classy ang CR (may bidet pa), madali ko namang naayos ang akong sarili. Commando na ako nung sumunod na phase ng interview pero ok naman at naipasa ko, kaso nga lang di rin ako natuloy dun at meron ngang nagbigay ng mas magandang offer na dati kong senior sa Yupi (yupian ng plato) na kasalukuyang recruitment manager ng isa pang kumpanya. Charge to experience na lang, kaya sa susunod na mga interview ko o matagalang upgrading trainings, magbabaon na ako ng extra brief hehehe.
I remember those times with a keen sense of happiness. Siguro kaya parang naging maudlin ako habang pinagmamasdan ang lumulutang na tae sa dagat eh dahil 1000 years ago ako ay bata pa at walang pakialam, walang problema. Kahit ano kinakain, kahit saan tumatae, lam mo yun? Di gaya ngayon, masyado ng hectic. Kelangan lumayo para magtrabaho, laging merong pangangailangang pinansiyal na pupunuan. Minsan may mga di pagkakasunduan sa mga tao sa paligid, di gaya nun sabay sabay lang na tumatae sa isang sulok ng bundok. Damn! Yun na lang, siguro ang tangi ko na lang magagawa eh magpatuloy sa pakikibaka, bigyan ng mabuting kinabukasan ang mga anak ko sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Maging ulirang ama ika nga.
Tapos siguro after nun, pag ok na sila, aakyat na lang ako uli sa bundok ng aking pagkabata, tatae sa tuktok, magpupunas ng tuyong dahon at sisigaw : “SHIT, THIS IS LIFE!!!!”

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Siguro ang saya rin ng childhood mo kahit pano! I am reading thru your blog and I honestly feel for you! May God Bless you!
Tapos siguro after nun, pag ok na sila, aakyat na lang ako uli sa bundok ng aking pagkabata, tatae sa tuktok, magpupunas ng tuyong dahon at sisigaw : “SHIT, THIS IS LIFE!!!!”
I feel for you...i hope soon..everything will turn around & be happy again one day.... you have a great heart..sana lang nakikita yon ng taong kasama mo, sayang naman kung hindi
Post a Comment