Tuesday, August 11, 2009
DON'T JUDGE
26-June-2009
PM
Pinickup ako ng service boat kasi nga papacheck up ako sa doctor at nag flare up na naman ang sinus ko. Ok naman, 6 days antibiotic at half month nasal decongestants. Tagal ko rin kaya tiniis tong buwisit na pananakit ng ulo at ilong na to, tinaon ko lang sa European country magpatingin at ng makagala na rin.
Since hapon pa naman ang balik ko at maaga akong natapos sa doctor, tumuloy muna ako sa seaman’s club at lakaran lang naman ang layo nun sa boat jetty. Ayun naginternet ng kunti sabay nagtingin tingin ng kung ano ano. Pinoy nga pala ang isa sa nagmamanage ng seaman’s club, isang catholic priest na tubong Samar at napakahusay mag Italiano. Ginagawa pa daw yung parish nya sa area ng Augusta kaya dun muna siya pinuwesto ng Catholic locale office nya. Pero pag naayos na daw yung simbahan nya mag mimisa na nga daw siya lagi at may local mass at Filipino mass syang gagawin. Magandang balita din yun lalo na sa mga kababayan nating di pa rin pinapabayaan ang kanilang “spiritual well-being” ika nga.
As usual meron na naman akong kuwento dyan. As usual din ipinasa na lang din sa akin nung AB ko nakaraang taon sa ibang barko.
Meron daw silang Danish captain na sa tuwing mag jojoin sa barko ang isang bagong crew eh magsasabing
“Are you a member of Hallelujah team? If yes I will send you home!”
Ang Hallelujah team daw eh yung madalas puro na lang bibliya ang gustong topic, walang bisyo at masyado ang pagkarelihiyoso. Madalas din sila ang nag iinitiate ng mga prayer meetings. Yun bang kagaya ng mga aakyat sa bus o jeep sa atin at magsisimula ng mangaral sa loob ng pampasaherong sasakyan, sabay bandang huli eh hihingi ng kahit kunting tulong. Eh tinanong daw nung AB kung bat ganun na lang ang ayaw ni Kapitan sa mga crew na ganun, killjoy daw at masyadong “self righteous,” sagot ni Kapitan. Palibhasa kasi eh mahilig daw magpa party lagi sa barko ang kapitan na yun kaya ayaw nya ng binansagan niyang “Hallelujah team.”
Wag naman sanang sabihin na di ako Kristiyano, pero sa isang banda may tama rin yung Kapitan. Ok lang naman na andyan sila at nangangaral o nagpapakita ng mabubuti pang halimbawa, pero syempre kelangan magadjust din sila sa atmosphere ng barko. Ang pagmamarino kasi eh “fraught with perils.” Andyan ang mga aksidente na maaaring mangyari kahit sa pinakasimpleng operasyon, andyan ang dagat na nakapalibot sa barko, ang masasamang panahon at galit ng alon at hangin, ang lungkot at marami pang ibang bagay na nagbibigay ng stress at danger sa isang seaman. Kultura na rin ng isang barko ang minsan magkarun ng pagkakataon ang crew na magunwind, at kadalasan nga eh sa pamamagitan ng alcohol, o sa mga barkong di allowed ang alak, yun bang maliliit na kasiyahan gaya ng Bingo nights. Yung huli ay hindi naman talaga maituturing na sugal kasi malaki namang porsyento ng mapapanalunan eh binawas sa ship’s club at maliit na halaga lang ang bayad kada card. Ang mga premyo din naman eh hindi pera kundi mga bagay na magagamit gaya ng damit o port souvenirs.
Para sa akin eh ok lang na may kasamahan akong ganun lalo na kung nangangailangan ka ng payo o makakakuwentuhan. Pero meron kasing mga iba na sa sobrang pagkabanal eh nakakaasar na. Yun bang akala mo sila lang ang maliligtas kung sakali mang lumubog ang barko! Merong mga ganun at imbes na katuwaan pa ay lalo lang kinaiinisan. Di na nga umiinom eh may pasaring pa sa tuwing nagkakatuwaan. Tapos pag lalabas ka kahit na wala naman sa hinagap mo ang mambabae o magloko, eh magbibigay pa ng mga unsolicited advise na minsan parang out of this world na. Meron ding naikuwento sa akin tungkol sa isa pang kung ano ang pagka makaDiyos, siya namang numero uno kung manipsip kay Kapitan at manira ng kapwa Pinoy. In short, mga banal na pugita at santong syokoy. Tsk tsk!
Di gaya nung AB na nagkuwento mismo sa akin, tawagin na lang nating McGrapes. Malakas uminom yun at manigarilyo. Wala sa karakter nya ang taong nagsisimba. Pero nabigla ako nung minsang mangatok ako sa kanya para umutang ng dalawang bote ng beer at di maiwasang nasilip ko ang loob ng kanyang kabina. Sa unang tingin pa lang eh nakita ko na ang isang picture ng Santo sa pader malapit sa sofa at mga istatwa ni Jesus at Mary at bukas na Bibliya sa may lamesa.
“McGrapes demmet totoo ba yang nakikita ko?”
Sabay pasok ko sa loob pa at bumulaga pa sa akin ang maraming naka magnet na mga larawang banal sa mga bakal na pader, ganun na rin ang iba pang babasahing kristyano sa may bookshelf. Yung salitang ‘nasurpresa’ eh wala pa sa kalahati ng naramdaman ko. Kasi naman wala talaga sa karakter nya ni nagdarasal eh. Yun nga lang siguro kahit bad boy ang image nya at maraming tattoo, ni minsan di ko siya narinig na nagmura. Isa ring kinatataka ko sa kanya eh kahit ang lakas manigarilyo at uminom, napakalakas pa din at ako nga na mas bata eh hingal na minsan pag nagsesecure kami ng hatch pero sya eh wala lang. Demmet talaga. Yun siguro ang sekreto nya.
Nung “madiskubre” ko na nga ang ganun, inaasar ko pa sya sa una. Pero nung bandang huli ayun nagkuwento na rin sya sa akin na oo nga daw andami na rin nyang napagdaanang pagsubok, at nakilala nya nga daw si Kristo ng lubusan dahil dun.
“Eh bat ang lakas mo pa ring uminom at manigarilyo?”
“Alam mo sec, gusto ko na ring tigilan yan. Pero nahihirapan pa ako sa kasalukuyan, kaya dinadaan ko na lang sa dasal. Ang mahalaga sa akin sa ngayon eh hindi na ako nakakagawa ng masama sa kapwa ko at patuloy pa rin ang pagaaral ko sa salita ng Diyos. Gabi gabi bago ako matulog at maging sa paggising eh lagi akong nagpapasalamat sa kanya, ganun na rin sa tuwing kakain. Simple lang naman ang pagiging malapit sa Diyos eh, unang una- sa puso yan at sa isip. Basta yung dalawang parte na yun ng pagkatao mo eh sa kanya na, kahit na siguro ginaganito ko yung katawan ko eh maiintindihan na rin naman Niya.”
Words to that effect lang ang naman yan sa sinabi nya, literary license ko na lang para mas gumanda. Pero yung point ni Mc Grapes, nandyan sa sinulat ko sa taas. Kaya pala kahit na frustrated officer (pasado sya ng board exam para sa pagka opisyal pero di na lang nagkarun ng pagkakataong maka akto) at wala pa ring anak sa edad na kuwarenta mahigit, andun sa pagkatao nya ang pagiging “at peace” at kuntento na sa takbo ng buhay. Masipag din at maaasahan. Higit sa lahat, ni minsan di nya pinagmalaki o pinamukha ang kanyang pagiging relihiyoso. Itsh amazing talaga hehehe! Yan din ang isa sa nakakatuwa sa barko, don’t judge the seafarers, they are not books. Kasi mahaba ang panahon para makilala namin ang isat isa, minsan nga nagkakasawaan na eh dahil iilang mukha lang ang makikita mo sa buwanang panahon hehehe.
Balik tayo sa puting kapitan na namention ko sa una, wala na rin kasi halos sa kanila ang paniniwala sa Diyos lalo na nga sa Scandinavian countries. Sa history kasi nila, nagkarun ng trauma ang kanilang mga ninuno nung panahon ng mga witch hunt at pagpatay sa ngalan ng Papa o ng paniniwalang Katolika Romana. Matindi rin ang naging epekto sa “fabric” ng kanilang society ng religious discrimination sa kasaysayan ng Katolisismo at Protestatinismo.
“I don’t believe in any God. I only believe in myself.”
“After you die, you become worm food, nothing more!”
“Religion is only for people who don’t have anything to hold on anymore.”
Ilan lang yan sa mga narinig kong sinabi ng karamihan sa kanila. Yung iba naman eh tumatawa lang o di kaya’y ngiting aso pag ang topic na eh religion. Nung una parang nagpo protesta ang isip ko, bat may mga taong ganito? Ang hirap! Napakalaking culture shock talaga. Pero nung huli, wala na kong choice kundi intindihin na lang sila at di na lang pagusapan ang topik spiritwal. Pero puzzle pa rin sa akin, kasi bat sila mayayamang tao? Bat nagmamayari sila ng isa sa pinakamalaking shipping fleet sa buong mundo at ang economiya ng maliit nilang bansa eh talo pa ang ibang malaking bansa sa Europa? Bat mayaman sila at mataas ang standard of living, sagana sa health care at kung ano ano pa? Samantalang wala naman silang Diyos na magbibigay sa kanila ng ganun? Para bang komokontra sa mga kinalakhan kong aral…
Way-any, tama na muna dyan ang ten cents worth ko! Bahala na kayong magisip mamaya masabihan pa akong Atheista o Satanista ng iba dyan! Tsaka wala na, hindi na nagba branch out ng maayos ang blog na to hehehe! Kung saan saan na napapadpad ang topic…
Kaya dito na muna ang Don… Even Godfathers have to rest my friends!

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment