Tuesday, August 11, 2009

COUNT DRACULA

04 May 2009
Arrived at Midia, Romania

Dumating na kami sa Romania. Malayo ang pwerto namin sa kabihasnan at kailangan pa ng service boat kung magaashore. Yun sabi nung driver ng service boat hatid sundo na daw kami ay 20 dollars lang kaya apat na kaming nag sama sama para makatipid. Ayos naman ang labas namin nakainternet din at nakita ko rin ang Romania kahit pano. Ang isa sa napansin ko eh yung mga horse drawn cars, meron pa pala nito? Palibhasa kasi eh marami pa ring Gypsies sa area na to ng Europe eh:















Sikat din ang bansang ito dahil dito nga daw galing si Count Dracula. Pero malayo pa ang Transylvania sa pwerto namin mga ilang oras pa sa kotse kaya nagpakuha na lang ako ng picture sa harap ng Transylvania bank sa may sentro lang ng Midia. Ito na siguro ang closest encounter ko sa sikat na horror villain na yun.

Naalala ko tuloy yung ka boardmate ko dating super cool doktor na nagtatrabaho sa parteng norte ng Zambales. Isa siya sa pinakahinahangaan kong intelectwal at lagi naming kalaro ng chess at kakuwentuhan. Meron kasi kaming samahan sa boarding haws na yun at sya ang pinakapatron and mentor namin. Sa kanya ko unang narinig ang istorya ni Vlad the Impaler, isang Count sa Romania nung panahon ng Ottoman Empire. Para mapigilan ang pagsakop sa Transylvania, lahat ng nahuli nilang mga muslim na Ottoman eh pinagsasaksak sa mga poste habang may hininga pa at nakahilera lang sa dadaanan ng advancing army. Ayun, sa takot daw ng mga Ottoman turks sa nakaimpale nilang kasamahang naghihingalo pa eh di na sila nagpatuloy. Isa pa eh yung pinroject na image ni Count Vlad, na iniinom nya daw sa court nya ang dugo ng mga kaaway sa harapan ng marami. Syempre di natin alam kung totoo yun o hindi, kung gawa gawa lang ng mga medieval propagandists nya para matakot sa kanya hindi lang ang ang lokal na oposisyon kundi mga mananakop na din. Dun nya nakuha yung tinatawag sa ingles na “notoriety,” kung kaya nung sinulat ni Bram Stroker yung Count Dracula (inspired by his story), with matching haunted castles and shrieking fanged bats, pumasok to kagad sa isip ng mga tao.


















Siyempre that time eh medyo iba pa ang impact sa mga bata batang isip ng ganun ka gothic na istorya. Para bang magtataka ka kung bakit? Pero kung patuloy kang nagbabasa dun mo marealize na napaka bloody pala ng history, napakalayo sa mga textbook materials. Madalas ang giyera, one nation conquers another, then conquered by another, so on and so forth. At minsan yung iniisip mo na brutal, yun pa pala ang kinoconsider na hero in many ways ng kanyang kalahi.


Gaya nga nitong si Vlad, eh kung di nya ginawa yun di nasakop sila ng Ottoman? Nawala ang kanilang kultura, identity at lahi? Naging isa lang silang “vassal” state o kolonya ng mga Turks. Hanggang ngayon parang local hero pa rin si Vlad sa bansa nya.


Doc P., mentor and elder, nakapunta na rin ako sa bansa ng idol mong si Vlad at di man kita kasama dun, nasa isip ko naman ang mga kuwento mo. Nasan ka na ba doc? Miss ka na ng tropa. Contact ka kahit sino sa min.









*****

Taga Moldova ang chief engineer namin at nagtaka ako kasi nagkakaintindihan sila ng Romanian na surveyor at loading master. Nung tinanong ko sya eh ang sabi nya dati daw palang probinsiya ng Romania ang Moldova. Nga lang nung nagkarun ng Soviet Empire eh kinuha nila at naging parte na nga ng USSR. Katulad din pala ng Ukraine at marami pang iba na ngayon eh independent states na rin. Politics na naman hehehe! Iba rin talaga pag nakikita mo ang mundo literally,you see stories behind the stories first hand!




















******

Yun lang naman ang makuwento ko sa Romanian trip na to, and the fact na nung nagashore kami eh pinilit naming makauwi ng bago mag dilim, mahirap na baka nga may mamaw na naninipsip ng dugo hehehe!!


No comments: