Tuesday, August 11, 2009

ROCKSTAR

20 April 2009
Western French coast

Wheew! Nakalagpas na kami sa sunod sunod na puwerto sa Europe. Pagdaan sa Kiel canal eh dinischarge na namin yung kargada sa Karlshamn, Norway. Saglit lang naman kami at di na nagtagal. Medyo malayo pa sa sibilisasyon ang labasan, nga lang napadaan na naman ang inyong lingkod malapit sa isang “Fjord” o natural geographic formation na dulot ng ice age one thousand siyete mil years ago. Unique ang mga Fjords ng Norway na isang bay na napapalibutan ng mga higanteng rocky mountains. Malalim ang tubig sa mga Fjords na to kasi nga tinulak at nag form sila kasabay ng pagbaba ng yelo from North pole hanggang nacover ang malaking parte ng North Europe. Di ko na masyado kabisa basta isa lang masasabi ko “breathtaking.” Damn! Namention din kasi ang Fjord sa isa sa pinakapaborito kong libro, ang ultra quirky na “Hitchhiker’s Guide To the Galaxy.” Kaya yun special sa akin ang sight na yun.

Pagtapos dun dumaan uli kami sa Kiel Canal at nagpunta naman sa Williamshaven, Germany. As usual di na naman nakalabas kasi nga ang setup ng pinagdikitan ng barko eh isang napakabang jetty lang na extended from shore, sabay dikit lang kami dun. Para bang takot na takot sila na baka may mangyari sa barko naming ang karga eh LPG. Ganun kasi ang mga puwerto ng dangerous cargoes, as much as possible eh nilalayo nila sa mga major residential areas, and for very good reasons. Wag naman sana, pero kung sakali mang may explosive accident na kaharapin ang barko eh catastrophic talaga ang mangyayari.

Sa sunod sunod na transiting, mooring operations, cargo watches at coastal navigations, nangarag na naman ako. Pero eto na, di ko rin alam kasi nga bago pa ako sa barko pero birthday na pala ni Mayor (also known as Chief cook) kahapon at medyo nakapahinga naman na the day after.

Big event ang mga birthday sa barko kasi nga wala naman kaming maicelebrate na iba. Lalo na rin pag natapat ang selebrasyon na nasa dagat ang barko. At syempre lalo pa pag kagagaling lang sa mga hectic na operasyon at pagod pa ang mga tao. Para bang breather o libangan matapos ang mabigat na paghahanapbuhay.

Technically, allowed lang ang mga crew ng “dalawang” bote ng beer isang araw. Nakasaad to sa alcohol consumption policy ng kompanya. Kaya no choice kami, hinandaan lang kami ni Mayor ng tig “2” bote. Andaming nalasing na crew sa tig “2” bote na yun hehehe. Ako rin naka “2” bote lang pero ok naman, di naman tayo manginginom eh.

Natuwa lang ako sa birthday na to ni Mayor kasi dito ako binansagang “Rockstar” ng barko. Pagkatapos ko kasi kumanta sa videoke, sumisigaw ako ng malakas na “LET’S ROCK!!!” Sus, tuwang tuwa ang tropa sa kalokohan ko hahaha.
Eh medyo nadala na rin tayo ng “2” bote ng beer, sunod sunod na ngayon ang kanta ng rockstar.


See below for one of my rockstar pose:














at inedit ko pa:
















Sinusulat ko na to the day after. Kaninang tanghali pagkababa ko para mananghalian, yun na sabi nung kasama kong kadete “ayan na ang rockstar.” Dammenemet! Di ko alam kung magiging proud ako o mahihiya eh! Biruin mo kapangit na ng boses ko eh Rockstar pa rin? Nyehehe! Kumulit lang naman ako kagabi kasi nung bakasyon ko sa tin eh di ako ganu naka shot shot kasi nga ang daming pinagkaabalahanan. Kaya yun matapos ang mga ilang buwang pahinga, naka “2” bote pa ako kaya todo leba leba lambang na!

Isa yan sa pinakalibangan sa barko ng mga pinoy, ang pagkanta sa videoke. Eto ngang Magic Sing eh galing pa sa Pilipinas at inorder lang ng crew nung may bagong sumampa galing sa atin. Halos lahat eh may kabisado na kaagad na number ng paborit song nila hehehe. Di naman sa pagmamayabang pero kahit sablay tayo sa boses eh sabay naman tayo sa tempo at tono ng kanta. Siguro naimpress sila nung rendition ko ng “Mr Jones” ng Counting Crows.

Ang binanatan naman ni Mayor eh yung “Igiling giling” ni Willie Revillame. Talaga namang sayawan ang mga crew sabay sa kanta ni chief cook. Maya maya pa nagwawala na rin si Mayor at tinatapon pa ang cover ng basura pabagsak sa sahig. Kung ako ang rockstar, siya naman ang popstar hehehe.

Yun lang naman, iniimagine ko na lang sa birthday ko sa July, malapit na rin at siguradong sa barko rin icecelebrate at 6 months nga ang kontrata ko. Abangan na lang hehehe.

No comments: