Tuesday, August 11, 2009
DON ISPROKOTOKTETOK
25-June-2009
Augusta
Dumating kami sa Augusta ng mga alas otso ng gabi. Medyo twilight pa kasi nga eh summer kaya kita pa ang Mt Etna sa bandang northern horizon habang pumapasok kami sa Augusta bay. Tagal na rin since nakita ko yung napakaganda pero napakadelikadong bundok na yun, mga year 2002 pa nung unang akto ko pa lang as third mate. Dito rin sa port na ito kasi kami nag sign off nung kasagsagan ng gyera laban sa Al Qaida at Afghanistan. Ang siste na charter yung barkong sinasakyan ko ng UK at magdedeliver nga ng Jet Fuel para sa mga fighter plane, eh isang requirement “all crew must be a member of EU,” lam mo na politika at pasikat pa si Blair kay Bush. Kaya ayun lahat ng Filipino crew and officer pinababa at pinalitan kami ng full Danish complement. Dun ko rin naranasan yung nakasaad sa agreement namin na pag di natapos ang contract, compensated kami ng two months basic payment, kaya ayos hehe. Ako lang ang opisyal nun na Pilipino pero lahat ng crew mula steward hanggang AB eh pinoy.
Nasa hotel muna kami nung gabi kasi umaga pa ang flight namin. Bale umorder na kami ng pagkain, aba kainis ba naman na ang sabi pa nung manager ng hotel and restaurant may limit lang daw ang babayaran ng agent at meron lang kami pagpipilian. Medyo nagreact na ang crew pero nung nakita naman namin yung mga pagkain eh ah ok sige, maayos naman kaya ok lang. Pero eto na, nung umorder na kami ng alcoholic beverage aba sya namang lapit na naman nung nag ma manage at sabi ba naman eh allowed lang daw kami isang glass of wine or one bottle of beer. Ok lang naman dahil alam namin yung repatriation policy na yun, pero parang pinapaaalalahanan pa kami. Kala yata wala kaming pera. Eh di binara ko na sabi ko don’t worry we have money to pay if ever we order more ok? Yung tipo bang may pagka sarkastiko at mataas ang boses. Napahiya yata kaya di tahimik na lang na umalis at di na bumalik.
Pero kinaumagahan naman nung pi pickupin na kami sa airport, nilapitan uli kami ng manager ng hotel. Tinatanong kung sino ang pinakamataas sa amin, eh di ako ang tinuro ng crew kasi nga ako lang ang opisyal. Sabi ba naman sa akin “I pay my respect, from a capo to capo. Thank you for staying with us and I’m sorry if I have offended you last night. ” Sabi ko capo what? Yun nga daw boss nga daw ang ibig sabihin nun. Italian word for “chief.” Tapos ako lang ang kinausap nya at di na pinansin ang mga kasamahan ko. Eh nung time na yun di ko pa nababasa ang Godfather o ni napanood ang pelikula. Me kunting idea lang ako sa mga mafia mafia na yan pero sa pagkakataon lang na yun ko na encounter yung ganung tradisyon ng actual na ang kinakausap lang pala nila at ina address ang kung sino ang mataas sa grupo o sinuman ang nabigyan ng disrespect. Pero nung nabasa ko na yung Godfather eh ayun mas naintindihan ko yung naging aksyon ng manager na yun. Dun ko rin naintindihan na napakalaking bagay sa kanila ang respeto at ganun na din ang paghingi ng paumanhin kung nakaapak man ng pagkatao ng iba. Damn! In that one instant, dapat pala na feeling Godfather ang lolo nyo hehehe!
Tapos nun pinickup na kami ng service. Kaso nung nandun na sa airport, nakita yung mga cartonite ng mga kasamahan ko. Sabi nung isang ground steward idadaan daw sa ibang security check ang mga karton na bagahe at di kasabay ng normal luggages. Kung maaari daw eh isulat na lang daw nila kung san idedeliver ang mga pinturado pang karton kasi nga baka di na makasabay sa eroplano at malapit na ang flight. Ang laman nung sa motorman eh Sat dish na antenna, dun naman sa isang AB eh isang set ng culinary utensils. Nakalimutan ko na yung sa iba pero siguro mga limang karton din yun. Ako wala. Nagusap usap, tapos ang binigay na lang na address eh yung kay AB Danny Demonyo. Pero dun pa lang sa umpisa nagdadalawang isip na yung mga kasamahan ko. Yun nga di sila nagkamali kasi nagkita uli kami nung isang AB after 6 years at kinuwento nya ngang di na nga daw dumating yung mga bagahe. Kawawa naman ang tropa, na mafia.. tsk tsk! Kaya dear readers, kung may kakilala kayong seaman na mag sa sign off sa Sicily lalo na sa Augusta sabihin nyong wag ng
Balik tayo sa arrival. Dumikit yung barko magaalas dyes na kaya di na ko natulog gumawa na lang ako ng passage plan sa bridge matapos manood ng kunting MTV (mula alas 10 ng gabi eh apat ang music channel sa Italy na puro music video ang pinapalabas, music lovers talaga ang mga Italiano).
Bumaba ako para magduty na naman ng alas 12 ng gabi (hanggang alas sais na yun ng umaga). Bumulaga sa akin yung assistant loading master at ang naka tagilid na hubad nyang helmet. Nakalagay dun sa loob ng helmet, “Capo Dei Capi,” Chief of the Chiefs. Hehehe! Natawa ako sabay lapit sa kanya at kunyari eh nagmano pa sabay bati ng “Good Evening Don Vito Corleone” sabay turo sa helmet nya. Nasurpresa talaga yung loading master at alam ko yung ibig sabihin ng nakalagay sa helmet nya hehehe. Tapos yun, stay on board sya all throughout the operation kasi nga representative sya ng consigner ng cargo na magbebenta ng kargada sa charterer namin. Siyempre kauumpisa pa lang ng operasyon kaya kuwentuhan muna kami at di pa naman busy. Andami din naming pinagkuwentuhan mula kay Berluscuni (Very, very rich man!) na prime minister nila hanggang sa view nya sa mga Pilipino na mababait nga daw at magagaling na mga seaman. Narinig ko rin sa kanya first time ang terminong “Roma Caput Mundi,” na ang ibig sabihin daw eh Rome as the World’s Capital. Temang Roman empire hehe. Madami ring alam ang loading master at sabi pa nya kung san daw pumunta ang isang Italyano eh “Veni, Vidi, Vici” daw. They come, they see, they conquer. Except nga lang daw kay Vagni na nahuli daw ng Abu Sayaff, which by the way is big news here ika pa nya.
Nung bandang huli eh biniro ko pa siya, ugali ko kasi ang magtatanong ng local phrases at kung anu ano pa. Yun bang magagamit lang sa typical na conversation gaya ng Good Morning/Evening, hello, thank you etc.
Sabi ko, my friend I encountered a phrase before I think it’s Italian, but I don’t know what it means.
What is it?
Ah, I forgot the rest but one part goes like this: ISPROKOTOKTETOK
Can you repeat that again?
ISPROKOTOKTETOK
What? It’s not Italian. I haven’t heard of that word before
O really? I thought it was Italian. Maybe it’s another language.
(sa mga sandaling yun talagang pinigilan ko na lang ang tawa ko eh. Gibberish lang kasi yun, nakuha ko lang nung tambay pa tayo at gin lang ang kayang toma. Ewan ko nga kung bat naisipan kong lokohin yung tao, siguro inaantok lang ako at gumawa ng sariling pampagising. Muntikan na talaga akong bumunghalit ng tawa kasi seryoso talaga siya sa pakikinig eh hehehe)…
Yun lang. Lang kuwenta noh? Yung mga tumawa sa salitang isprokotoktetok, siguro bago pa lang kayo nagbabasa ng mga blog. Napakashallow ng humor nun walang sinabi sa mga blog ng iba. Pero at least original di ba hehehe…
(Dinrowing ko nga pala to sa isang navigational chart na luma. Chart to ng strait of Sicily at yun nga kung pagmamasdan binaligtad ko yung mapa kaya nasa ilalim yung southernmost tip ng mainland Italy at nasa harap nun ang north-east most tip ng Sicily. Eh di ba karaniwang nakapicture sa mapa eh sapatos yung Italy na waring sinisipa ang Sicily? This time around, in an artistic viewpoint yun namang mainland ang halos nakahalik na sa tip ng sicily na shaped as shoe end hehehe… L a lang, napag tripan ko lang hehehe… Ang nakakuha ng humor, weird!!!)

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment