Tuesday, August 11, 2009

PAC MAN

25 April 2009
Enroute to Midia, Romania
PACQUIAO
Ngarag ngarag na naman ako hehehe.. biruin mo ba naman eh sa loob halos ng nakaraang 24 oras eh naka limang oras lang ko ng tulog, putol putol pa pano nag ashore pa ako sa Morocco para lang maka internet, ambagal naman ng lekat na connection pero ok lang naka check naman ng mga email at naka download ng mga balita sa atin. Tapos nun eh duty pa na sais-sais (12 hours per day) at gawa ng passage plan sa next port (hawak ko kasi ang mga mapa) pag tapos ng mga duty. Pakiramdam ng ulo ko eh lutang sa hangin dahil sa mga oras ng trabaho.

Eh di yun katatapos lang ng unmooring operation o dis-atraka, (natapat pa sa off o rest hours ko ang nasabing operasyon) at dumaan muna ko sa crew mess kung nasan si deck cadet. As usual nanonood na naman ng laban ni Pacman. Gasgas na nga yung disc na pirata pa at pinagpalitan lang sa nakadikit na barko minsan isang pwerto. Koleksyon yun ng mga laban ni Manny.

Palibhasa lutang na naman ang pakiramdam, di maiwasang idaan na lang sa biro.
Ano bang pinagaawayan ng dalawa na yan cadet? Bat nagsusuntukan silang dalawa? (Kasalukuyang si Morales ang kalaban ni Pacquiao).

Eh sir kasi tong si Morales wala sa ayos!

Bakit?

Eh kasi sir nung papunta sila dyan sa stadium, nilibre siya ni Pacquiao sa jeep tapos nung sa tricycle na eh di naman bumunot si Morales.

Wala pala sa ayos ano?

Oo nga sir di yun nagkainitan na sila ni Pacquiao at naghamunan nga na idaan na lang sa suntukan, square areglo daw sila kaya yan.

Eh bat andaming taong nanonood?

Wala lang sir trip lang nila!

Tikul noh? Hehehe! Minsan ganyan na lang dinadaan na lang sa mga light moments ang pagod at hirap ng pagbabarko para di mamalayan ang pagdaan ng panahon.
Balik tayo kay Pacman na syempre panalo dun sa laban na pinanood namin. Masasabi kong number one sa usapan at kuwentuhang marino ang mga laban ni Pacquiao. Madalas pag duty ko sa bridge eh usapin yan sa VHF (Very High Frequency) Radio at bino broadcast pa nga lagi sa distress channel (16) ng mga kabayan.

“Kabayan, malapit na ang laban ni Pacman at Hatton.”

“Oo panalo na naman sigurado si Idol.” Yun tuloy tuloy na hanggang minsan maaasar ang mga opisyal na ibang sa paligid at pagagalitan ang mga gumagamit ng channel 6 (kasi nga eh para lang talaga sa emergency dapat yun ginagamit).

Leave this channel. Shut up on channel 16. Blah blah blah.

Pero walang epek, wari bang nakukuryente ang halos lahat ng Pinoy sa mga laban ng pambansang kamao at patuloy ang ingay sa pula (pula kasi “red channel” din ang tawag sa distress channel 16).

Hindi naman talaga ako palanood o interesante sa sport na boxing, nung highschool ako eh soccer ang pinaka laro ko at bilyar. Ang number one na mahilig dyan sa pamilya namin eh si Papa ko na seaman din, madalas eh lagi kong naaabutan pag bumibisita ako sa kanya na nanonood sa sport channel ng boxing. Pero masasabi kong dahil kay Pacquiao eh nakahiligan ko na rin ang panonood sa larong yun.

Nagsimula yun nung minsang lumabas ako matapos mag-duty sa may Ho Chi Minh city (dating Saigon), sa Vietnam. Naginternet ako dun lang malapit sa pwerto kung san naka atraka ang barko. Habang nag ba browse eh nakuha ang pansin ko ng katabi kong kasalukuyang nanonood sa You Tube. Nasurpresa ako ng marinig na laban ni Pacquiao yun kay Diaz. Ok lang sana kung pinoy eh kaso ibang lahi ang audience na yun, matangkad at may kaitiman, mukhang mulato.

Nakikita ko sa side profile nya ang kakaibang tuwa habang pinapanood ang laban ni Pacquiao, kada tama ng suntok ni Manny ay halos lumundag sya sa kinatatayuan. Maya maya eh halos nakalimutan ko rin ang pagba browse ko at nakikinood na ako sa kanya, umurong na rin ng kunti ang plastic na upuan ko palapit sa monitor nya. Ganun pa rin, tutok na tutok pa rin ang atensyon nya sa pinapanood at walang pakialam sa paligid. Galak na galak sa labanan sa harap nya.

Eh hindi na ko makatiis.

My friend, excuse me I’m from Philippines and I know Pacquiao, where are you from?

Ayun, dun lang yata ako napansin. Nakita nya rin na halos wala na ako sa puwesto ko sa pakikinood sa kanya hehehe…

Oh hello? Filipino? I’m from Cuba. Pacquiao good ah?


Yes I know. But why you do you watch him? You like him?


Yes he is my idol. An excellent boxer. He fucking destroyed all those tough Mexicans eh?


Ehhhng!!! Taga Cuba, paborito si Pacquiao?


Ayun kunti pang kwentuhan at interrogation, nalaman ko na seaman din sya at pareho kaming Segundo opisyal. Na di lang sya ang fan ni Pacquiao sa barko nila na puro Cubano ang tripulante, kundi karamihan din sa kanyang mga kasamahan. Na isa ring sikat na world figure sa larangan ng boxing si Pacquiao sa kanilang bansa. Na marami ring mga batang Cubano ngayon ang nangangarap na balang araw ay matulad kay Manny. Naka vandalized din daw ang pangalan ni Pacman sa ilang mga kalye sa mga pader ng Havana, mga sulok sulok sa isang kumunistang bansa kung saan libangan ng mga kabataan ang sport na boxing.

Maya maya pa eh medyo gumaganda na ang banatan sa You Tube kung kayat sabi ko na lang:

Ah! Ok, ok! Just continue watching my friend….

Nung sandaling yun, pagharap ko uli sa screen ng aking computer, nakaramdam din ako na parang lutang sa hangin, pero hindi dahil sa pagod. Lutang ang pakiramdam ko dahil at that very moment, I’ve never been so proud of being a Filipino. First hand ko nakita ang paghanga ng isang dayuhan sa kapwa Pinoy.

Siguro proud na proud si Pacquiao, kasi hindi lang iilang tao ang binibigyan nya ng glory and fame, kundi isang buong NASYON! Demmet! Bigat nun. Ako nga naaalala ko yung mga athlete days ko nung highschool na naglaro ako at naadik din sa Football, tapos nung naglalaban kami sa may quadrangle at nakashoot ako sa free shot eh tuwang tuwa mga kaklase ko at sumisigaw pa ng “George, we love you!” eh di syempre proud na proud din ako sa sarili ko. Ano pa kaya yung LAHAT ng kababayan mo nagpupugay para sa yo?

Kaya eto Manny Pacquiao, dahil sa karangalang binigay mo na yan sa bansa, alay ko sa yo ang tulang ito. From a one time athlete who also played with passion and heart (a long, loooooooonnnngggg time ago) to another:

**********************************************************
A HEART’S PRAYER




Swell proudly, ye tired heart,

Don’t let it subside,

The feelings that grasps you,

There’s no need to hide.



















Soar above, ye tough heart,
Rise above the ground,
Fly away from grey clouds,

Tis glory ye found.

















Ye fought well, mighty heart,
As true warriors do,















When ye won, your knees ye,
Bent in prayer too.












Swell, soar and pray ye pious heart,

And let a nation know,













Tis when you submitted humbly,

That you vanquished all foe…


********

Stay as you are Manny. You are unique. You are the people's champ. Consider me a fan, ma man!!!!

2 comments:

Tony said...

Mga Puerto Rican naman ang uubusin ni Pacman!!!

Rene said...

Nagtataka lang ako Pre kung paano nabubuhay ang mga hinayupak.Maybe I should give Satan a good advise.HUWAG NIYANG TANGGAPIN ANG MGA LANGYA,AAGAWIN NILA ANG PWESTO...TANG INA NILA PRE!!!